Isang bagong panimula

ang kinailangan. Isang landas na hiwalay sa daang ating sabay na tinahak; isang mahabang daang hindi natin alam ang kahahantungan. Malayo at matarik, masukal at walang kasiguraduhan.

Hindi ko ninais na dalhin ka sa lugar kung saan kita iniwanan. Ngunit hindi ko rin naman sasabihing hindi ko sinasadya na tuluyang bitawan ang iyong kamay. Ito na ang huling pasakit na idudulot ko sa iyo, at patawad.

Alam kong mas magiging masaya ka sa piling ng taong iaabot ang kamay niya upang ikaw ay muling makabangon.

—————————————————-

Huling tala ko na ito sa Tumblr. Lilipat na ako sa http://antukin.posterous.com